Much Ado About Valentine – Part 1

This is something i wrote about 3 years ago, February 2005…

February na naman pala, parang kailan lang naiinis ako sa pagpasok ng december, unang una gastos at siyempre naiisip mo na naman na member ka ng SNMMAP, ano pa nga ba, Samahan ng mga Malalamig ang Pasko.  Eto at February na, isa na namang okasyon na kung puwede huwag nang icelebrate.  No, don’t get me wrong, hindi naman ako against sa Valentines’ porke’t wala akong ka-valentino. 

What I hate about it, is kung bakit sa araw na yon, sobrang dami ng lumalabas na magpartner, as in lahat ng makakasalubong mo sa daan, papasok man lalo na sa pauwi, magpartner.  Feeling awkward ka nga lang and every girl na makasalubong mo may hawak na bulaklak!  Bakit?  tuwing valentines lang ba dapat magbigay nun?  Hello!! Sa ilang taong paglalakad ko sa ayala at walkway, 2 babae pa lang ang nakitaan ko na may dalang flowers, at hindi yon valentine hah.

Yes!, biro mo sa halos limang taon kong pagtatrabaho sa Makati, 2 palang ang nakakasalubong ko sa ayala at walkway (pinagsama ko na!) na may dalang bulaklak.  Buti kanyo at natatandaan ko pa, tanong nyo sa kin no?  Siyempre naman, yung isa kasi super ganda, super sexy pero mag-isa lang siya naglalakad at dala dala nya yung malaking bouquet of flowers.  Lahat ng tao nakatingin sa kanya, kasi parang hirap na hirap siyang dalhin yung malaking bouquet, kasi siyempre may bag na, taz may laptop pa, taz yung flowers pa.  Sa isip-isip siguro nya, “buwisit tong nagbigay na to, pinahirapan pa kong magdala.”  Sa isip-isip ko naman, “walanghiya yung nagbigay na yon ah, di man lang sinundo yung pinagbigyan.  Kita ng madaming dala.” Hay, baka naubusan na ng pamasahe kasi binayad na lahat dun sa flower shop kaya hindi na lang niya sinundo yung girl.  Poor girl!

Siyempre yung isa, di ko nalimutan siyempre.  May kasamang foreigner na matangkad, guwapo saka maputi.  At yung kasamang girl na may dalang bulaklak?  Hmm, medyo maitim, medyo maliit, at medyo mukhang exotic beauty.  Yun bang sinasabi nila na mukhang exotic, mukhang katulong! Nakasuot ng masikip na jeans, spaghetti strap na blouse, siyempre kita din yung strap ng bra, taz ang taas ng takong ng shoes niya, hindi sandals pala.  Ayun, dala dala niya yung malaking bouquet ng bulaklak at nakaliyad pang naglalakad na para bang sinasabi sa mga nakakasalubong na napapatingin, (yung iba naman nakatitig talaga sa kanya!) “Hah!Inggit lang kayo sa beauty ko no!”  Sa isip isip ko naman, “Huh! Anong nakita ni Mr. foreigner sa yo no!  Bakit ba puro exotic beauty ang gusto nila.  Buti na lang walang nanligaw sa kin na foreigner, kundi isipin ko din na exotic ang beauty ko!”  Haha, ang sama ba ng ugali ko!

Anyways, di naman ako naiinggit sa kanila na may mga bulaklak.  Naalala ko naman na may nagbigay sa kin once, nung medyo teenager pa ko galing sa isang makulit na manliligaw at siyempre diko malilimutan dun sa anak ng boss ko.  Palagi yon, tuwing Valentines, binibigyan niya ng isang pirasong rose (malimit white!) yung mga single girls sa office kapag valentines.  Siguro naisip niya na walang magbibigay sa min!  Hay, hello! ok lang no, aba naka tatlong bulaklak din ako, siyempre 3 years ang tinagal ko don.  Kjng bakit ako umalis, iba nang kuwento yon, alangan namang magstay ako para lang sa bulaklak.  Hindi rin naman ako mahilig don. 

Date? tanong nyo?  Yon pa ang isang hate ko, kasi tuwing valentines, di mo alam kung saan kayo mag lunch at mag dinner.  Lahat ng restawran puno, yung jolibee sa food park, puno! pati nga yung mga jolli jeep dito sa makati, puno din! Teka, tinatanong nyo kung naki pag date na ko on valentines day?  Ang sagot ko, hindi noh!  Makipagsiksikan daw ba ako sa mga tao papuntang restawran at makipagbuno sa traffic kapag uwian na.  Oo naman, may nagyaya na sa kin, sabihin nyo pa wala.  Pero di ko talaga trip na makipagdate on a valentines day.  Ok lang any other day. 

Teka! Baka naman sabihin nyo, sobrang ayaw ko sa Valentines.  Actually, may isa akong gustong gusto pag valentines, that is yung mga concert.  Feeling ko, lahat ng magagaling na singer, local or foreign nagso show pag valentines.  Taz lahat pa ng repertoire nila, love songs, weakness ko yon.  Don, yon lang ata yung wala akong ma share sa inyo, kasi kahit isang beses man lang, di ako nakapanood ng isang valentines concert, ang mamahal kasi no, diko naman ma afford bumili ng tiket na dalawa para magyaya ako ng friend.  Siyempre ako nagyaya, kaya ako dapat manlibre.  Pangit naman kung ako lang mag-isa, puro couples nga yung nanonood. Baka magmukha akong timang, na di sinipot ng ka date!  Kaya nagkakasya na lang ako sa pag-hihintay na ipalabas siya sa tv, ipapalabas din naman yon no!

Teka, teka! Di lang naman pang lovers or couples ang valentines, puwede din sa friends.  Single man or attached.  Wag nga lang pagtawanan or ismolin ng mga lovers na magkadate.  Pag nangyari yon, eto lang ang sagot ko.  “Hello! nagmamahalan din naman kaming magkakaibigan, at least kami forever na magkaibigan,  ikaw kaya, nakakasiguro ka ba na yang ka date mo ngayon, siya pa din makakadate mo sa valentines next year????

 

Leave a Comment